Tuesday, September 2, 2008
Triskelion Council of Imus Cavite Election.
Ang Konseho ng Triskelion ng Imus ay magkakaroon sa wakas ng eleksyon matapos ang 3 taon. Ngunit sadya yatang sa panahon ng ating kapatiran ngayon hindi na kapatiran ang umiiral kundi "Pulitika".
Dahil may ilang tayong kapatid na merong personal na interest na hindi naman sadyang sakop ng Imus ay pilit pinakikialaman ang proseso ng botohan na dapat ay magaganap sa itinakdang araw sa ganap na ika-6 ng setyembre.
Nais ko lamang linawin na hindi ko balak siraan ang sinuman, nais ko lamang tindigan ang "KARAPATAN" ng mga Triskelion na nasa ilalim ng Hurisdiksyon ng Imus. Bilang Isang Munisipal na Hukom (Municipal Judicial) ng IMUS.
Ang Konseho ng Triskelion ng Imus ang kauna-unahan sa Probinsya ng Triskelion ng Cavite ang nakapag-daos ng "1st All Leaders Conference" na pinangunahan ng Pangulo ng konseho ng Imus na dinaluhan ng Gobernador-Heneral ng Lalawigan ng Cavite.
Upang balangkasin ang mga batas,ordinansa,alituntunin,regulasyon at mga proseso pang munisipalidad ng konseho ng Triskelion ng Imus.
Ngunit ang nasabing mga "BATAS,KODIGO,ORDINANSA,ALITUNTUNIN,REGULASYON,AT PROSESO" ay nais tapakan at labagin ng Ilang Mataas na Lider ng ating kapatiran, para sa kanila personal na interest at motibo.
Ganun pa man bilang Punong May-akda ng KODIGO ng Konseho pang Munisipal ng Triskelion sa Imus. ay hindi-hindi ko papayagan ang sinuman na lumabag o tatapak sa batas na ginawa at pinaghirapan ng mga lider ng imus ng dahil lamang sa pulitika!
Ito'y malinaw na labag sa Tenets at Kodigo ng Asal ng ating kapatiran!
Ni minsan hindi kami ng himasok sa kahit anong konseho sa kabite.
Pero kung hindi mairerespeto ng iilan mataas na lider ng ating kapatiran ang karapatan ng mamayan triskelion ng imus. Mabuti pang Buwagin ba Ito at magsama-sama nalang sa Probinsyal na Konseho.
Wala akong balak sirain ang sinumang triskelion. At Alam ko hindi ito alam ng Gobernador-Heneral ng Triskelion sa Lalawigan ng Kabite.
Ngunit ang mga tao sa paligid niya o ang mga Triskelion sa paligid niya na tila mga amuyong at hayok sa kapangyarihan ang nagsusulong na maniobrahin ang botohan na magaganap.
Ang masakit pa nito hindi nila papayagan ang sinuman humadlang sa kanilang binabalak. Tulad ko ngayon na nakakaranas ng pangigipit sa karapatan bilang Aktibong miyembro ng kapatiran.
Hindi sa pagmamalaki. Malaki rin naman ang kontribusyon ko sa kapatiran sa Imus.
Ngunit ganito yata talaga pag nasa panig ka ng "TAMA" ay pilit kang ibaba.
Sa ngayon may ilang Triskelion kuno ang nagbabalak na patalsikin ako sa kapatiran. Para lamang sa personal na interest.
Alam ko may malaki akong nagawang mali sa kapatiran at sa batas.
Pero ni minsan hindi ko tinalikuran o pinabayaan ang kinasangkutan kong gulo.
Masakit man sabihin. Aminado naman ako na "aksidente" kong napaslang ang isang Triskelion batch 79 ng UPHR-las pinas, ewan kung triskelion man siyan maituturing. Na nasa impluwensya ng ipinagbabawal na gamot. ng mga panahon iyon at may dala pang baril na "NAAGAW KO LANG" noong itinutok niya sa akin. Nais kong linawin na "IPINAGTANGOL KO LANG ANG AKING SARILI".
at ni minsan sa buhay ko nilang TRISKELION. Puro kabutihan at sa kapakinabangan ng kapwa TRISKELION ko ang aking iniisip!
Ni minsan hindi sumagi sa isip ko na mangyayari ito. Hindi ko inisip na ang KAPATIRANG pinasukan ko ang sisira ng aking kinabukasan!
Paumanhin kung nailabas ko ang sama ko ng loob dahil Isa akong "Studyante ng Nursing" ng panahon na iyon. Ito'y nangyari nakaraang taon lamang noong Nobyembre.
BAKIT AKO ANG PINALALABAS NA MAY MALI?
GAYONG NAKITA NAMAN SA CRIME SCENE NA MAY DALA RIN SIYANG PATALIM.NAIS KO RIN LINAWIN NA SA NASIRANG KAPATID DIN NATIN ANG BARIL AT NAAGAW KO LANG UPANG IPAGTANGOL ANG AKING SARILI.
BAKIT KELANGAN AKONG HUSGAHAN NG IBA NATING KAPATID? GANOONG "BOLUNTARYO AKONG SUMUKO UPANG HARAPIN ANG NASABING INSEDENTE".
NI MINSAN HINDI KO INISIP NA ANG KAPATIRAN NA PINAGLINKURAN KO NG BUONG-BUO. NA PINAG GUGULAN KO NG PANAHON,ORAS, DEDIKASYON ANG SISIRA NG KINABUKASAN KO AT NAGBABANTA SA AKING BUHAY SAMPU NG AKING PAMILYA NGAYON?
NI MINSAN HINDI PUMASOK SA ISIPAN KO NA ANG KAPATIRAN NA BINIGYAN KO NG MABUTING IMPRESYON SA AMING LUGAR AT KUNG SAAN NANGYARI ANG AKSEDENTE ANG AAGAW NG MAGANDANG KINABUKASAN KO.
NI MINSAN HINDI KO INISIP NA DATI KONG MGA IPINAGTANGOL NOON ANG MAGTATANGKANG ALISIN AKO SA KAPATIRAN!
Ito lang ang masasabi ko sa kanila wag sana nilang danasin ang dinadanas ko ngayon!
wag sanang danasin ng magulang nila ang dinadanas ng magulang ko ngayon.
Wala man silang tinulong ni isang sentimo o kahit ano. Ngunit hindi ako ako ganoong triskelion na maghahanap ng kahit ano sa kanila.
Pero wag naman sana nilang "GAWING ISYU" ito para lang hindi matuloy ang botohan.
ANG BOTOHAN NG KONSEHO NG TRISKELION ng IMUS!! ! ! !
Sa lahat ng sangkot dito. Diyos na sana ang bahalang humatol sa mga pinagagawa ninyo!
Dalangin ko lang na sana wag ninyong ipagkait sa mga TRISKELION ng IMUS ang karapatan nila.
Kung ako ang gagawin ninyong dahilan upang hindi matuloy ang botohan, wag na kayong mag aksaya ng panahon. Dahil alam ko doon sa mga nakakakilalang kapatid natin, alam nila na hindi ako ganoong kasamang brod.
At hindi ko minsan pinayagan na manaig ang kamalian,handa akong harapin ang desisyon o hatol sa akin.
Sapat na rin siguro ang naitulong ko sa kapatiran.
Panahon na rin siguro para ayusin ko naman ang aking sariling buhay. at bumangon sa bangungot na dinanas ko.
Sa huling pagkakataon hanggang sa huling sandali hinding-hindi ko papayagan na pahintulutan ang mga kabuktutan ng mga nalihis na Triskelion !
Ako ay mananatiling Tapat na Triskelion hanggang sa Huli ! ! ! !
Sa mga Kapatid ko TRISKELION kayo na ang bahalang Humusga.
MABUHAY ANG MALAKAS,MALAYANG KAPATIRAN ng TAU GAMMA PHI ! ! at TAU GAMMA SIGMA !! !
Fraternally your's
Marc King Edward Ross "Silver" San Felipe, MDG
Ilaya Chapter 03-PLP (Pasay)05'
TCIC-Judicial
Please Visit my blog .@
http://triskelionlife.blogspot.com/
my friendster (king_sanfelipe@yahoo.com)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment